Dibursyo

Dibursyo at Batas Pam-pamilya



- Sa proseso ng dibursyo, maraming importanteng aspeto ang nasasangkot; kasama ang inyong mga anak, pera at mga ari-arian. Kaya, importanteng isaalang-alang ang paghahanap ng abugado na may karanasan sa dibursyo para mabigyan ka ng tulong at tamang adviceKapag hindi mo alam ang iyong tamang karapatan at obligasyon, ikaw at ang iyong mga anak ay maaaring makaranas ng emotional damagestress, at financial hardship. Ang Specht & Pryer ay kayang tumulong sa paghahanap ng mga solusyon para maiwasan ang tunggalian sa paghaharap ng kaso ng dibursyo. Ang aming abogado ay magbibigay-alam tungkol sa mga posibleng solusyon at makakatulong sa pag-dedesisyon. At, sya rin ay ang mag ririprisinta saiyo habang pino-proseso ang kaso, pati na rin ang pag ririprisinta saiyo sa korte. Napaka-halagang mag-hire ng abogado na kung saan ikaw ay magiging kumportable at kampante personally at professionally, at higit sa lahat, madaling kausap, sapagkat madalas ay ang inyong mga pag-uusapan ay highly personal at mga sensitibong bagay katulad ng marital relationships, mga utang, mga anak, ari-arian, pera etc.


Paano ang dibursyo sa Canada:
  •  Iisa lang ang batas ng dibursyo na nag-aaplika sa lahat ng mga Canadians. Eto ay tinatawag na Divorce Act, at kahit saan ka nakatira sa Canada, ang batas at proseso neto ay iisa at pareho.
  •  Kinakailangan mag-file ng divorce petiion sa family court. Ikaw at ang iyong asawa ay maaaring mag file ng claim ng magkasama o individually. Sa iyong claim, puwedeng mag request ng dibursyo o kaya't maaari ring hayaan ang korte na magdesisyon sa custody, maintenance at division of property.
  •  Sa pag file ng dibursyo, kailangan na ipakita na ang inyong relasyon bilang mag asawa ay hindi na sustainable. Maaaring patunayan ito sa tatlong iba't ibang paraan. Ang pinaka common ay ang pag papakita na ikaw at ang iyong asawa ay hindi na patuluyang nagsasama sa iisang bahay ng atleast isang taon bago mag-file ng dibursyo. Maaaring mag sama padin kayo sa iisang bubong, ngunit hindi na kumikilos na parang mag asawa.
  •  Posible ring makakuha ng dibursyo kapag ang isa sa mag asawa ay nangalunya o kaya ay inabuso ang kanyang asawa, physically or psychologically.
  •  Sa lahat ng nabanggit, dapat na isaalang-alang ang pag-hire ng abogado na may sapat na karanasan sa mga ganitong kaso. Sa Specht & Pryer, ang aming mga abogado ay pamilyar sa sistema ng korte at mga hukom na makikinig sa iyong kaso ng dibursyo.

Comments

Popular Posts