Magkano at kailan ko makukuha ang aking ICBC settlement; at anu-ano ang mga salik na makakaapekto sa halaga nito?
Ø Kapag ikaw ay
naaksidente sa BC, mayroong magandang chansa na makakuha ka ng pera para sa
iyong mga kapinsalaan na dulot ng aksidente sa pamamagitan ng ICBC claims
process.
Ø Ang dalawang pinaka
madalas na tanong ng taong napinsala sa aksidente ay: magkano ang makukuha ko,
at kailan ko ito makukuha?
Ø
May
dalawang uri ng aksidente: aksidente na ikaw ang may kasalanan, at aksidente na
iba ang may kasalanan.
Kung ikaw ang nag sanhi ng
aksidente.. at
ikaw ay napinsala, maaari kang makakuha ng hanggang $150,000 para sa medical
expenses ayon sa Accident Benefits policy ng ICBC. Hindi ito settlement, sa
halip, ito ay pera na maaaring gamitin para mabayaran ang iyong mga treatment
hanggang sa ikaw ay gumaling. Ang pinsala sa iyong sasakyan ay maaaring
ma-cover kung ikaw ay mayroong collision coverage. Ang pinsala sa
sasakyan at ari-arian ng iba ay pupwedeng ma-cover ng iyong Third Party Liability.
Kung iba naman ang may kasalanan ng
aksidente.. tumataas ang halaga ng
settlement kung ang aksidente ay kasalanan ng iba. Ang mga settlement na ito ay
nagmumula $10,000, at pupwedeng umabot ng milyun-milyong dolyar. Kapag ikaw ay
nakatamo ng mga injury sa aksidente dahil sa kapabayaan ng iba, ang kanilang
Third Party Liability ang magbabayad sa iyong mga injury. Kung ang naka
aksidente sa iyo ay hindi insured, maaari kapa ring bayaran ng ICBC ng hanggang
$200,000 sa pamamagitan ng kanilang Underinsured Motorist Protection.
Ang halaga ng pera na maari mong matanggap
ay didipende sa ibat ibang mga kadahilanan, ngunit ang pangunahin sa mga ito
ay:
- Magkano ang gagastusin para sa iyong mga therapy
at pagpapagamot para lunasin ang iyong mga pinsalang natamo.
- Magkano ang gagastusin para maipaayos ang iyong
sasakyan.
- Gaano ang naging epekto ng aksidente sa iyong
abilidad na kumita.
- Magkano ang gagastusin para maibalik ang sarili
sa dating normal na kalusugan o kalagayan at pamumuhay (kung posible).
- Gaano ang paghihirap na
dinanas sanhi ng aksidente.
v Ang
halaga ng settlement ay maaaring mas tumaas kung ikaw ay kumikita ng
malaki bago ang aksidente, at hindi na makapag trabaho pagkatapos nito.
Halimbawa, kung ikaw ay manager na kumikita ng $100,000 kada taon sa edad na
40. Pagkatapos ng aksidente, dahil naapektuhan ng iyong mga natamong injury ang
iyong abilidad na makapag trabaho ng normal, hindi ka na maka-kita ng ganitong
halaga. Ikaw ngayon ay nawawalan ng $100,000 kada taon hangga't sa umabot ka sa
edad na 65. Kung
kukuwentahin, humahalaga ng $2.5 milyon, at ito ay income loss lamang.
v Ngunit, madalas,
karamihan ng mga nasangkot sa isang aksidente ay kaya bumalik
sa pagta-trabaho, at bihira lamang na mayroong makakakuha ng ganoon kataas
na halaga ng settlement.
v
Sa
katunayan, ang karaniwan na claim pay out ay humahalaga ng $40,000. Eto ay ang
buong halaga na ng settlement, kabayaran sa lahat ng kawalan at perwisyo,
kasama na ang pinsalang pisikal sa tao at kasiraan sakanilang sasakyan.
Maraming claim ang nababayaran ng halagang mas mababa rito. Ang iba naman ay
maaaring mas mataas. Ang tipikal na claim para sa soft tissue injury sa leeg ay
maaaring mag halaga ng $40,000, napaka dalang lamang ang claim na umaabot sa
milyon + dolyar.
Kailan o gaano katagal bago ko makuha ang
kabayaran saakin?
v Ang pangalawang madalas
na katanungan ay kung kailan ka mababayaran at mababayaran ka ba agad. Ang
sagot sa katanungan na ito ay didipende sa kung magkano sa iyong claim
ang handa mong ipaubaya para lamang makuha ang iyong settlement ng mas
mabilis at maaga. Madalas ang ICBC ay hindi nag se-settle hanggang bago
mag-trial. Karaniwan, (halimbawa, light neck injury na humahalaga ng $40,000),
umaabot ng dalawang taon bago mag trial. Ang mga mas malalaking kaso ay
pupwedeng umabot ng hanggang dekada bago matapos ang proseso ng paglilitis.
Kung nais mong makuha ang buong halaga ng iyong claim, kinakailangan ay handa
kang mag-antay hanggang matapos ang paglilitis sa korte.
v
Subalit,
maaari mong makuha ang iyong settlement ng mas maaga -- kung ikaw ay handang
mag-sakripisyo na mabawasan ang halaga ng iyong claim. Halimbawa, sa loob
ng dalawang linggo matapos ang aksidente, ang $40,000 na claim ay maaaring
mai-settle kaagad sa halagang $15,000. Ang mga ICBC adjuster ay gusto
lamang maitapos at mabawasan ang mga claim na kanilang hinahawakan at makapag
bayad ng payout sa pinakamababang halaga. Kapag ikaw ay handang mag-settle
kaagad -- para sa bahagi ng iyong claim, pupwede mong piliin ang opsyon na ito.
Ngunit, tandaan na maraming abogado ang may kasanayan sa pag-sesettle ng mga
claim ng mabilis at maaga. Dapat pag-usapan ito sa isang abogado para malaman
mo ang iyong mga opsyon bago ka mag desisyon sa kung ano ang gusto mong gawin
sa iyong ICBC claim. Tandaan, ang claim na ito ay saiyo, hindi sa iba.
Ang mga salik na makakaapekto sa halaga ng
iyong ICBC settlement at ICBC payouts ay:
·
Tindi ng iyong mga pinsala
- Halimbawa, kapag ikaw ay
mayroong grade 3 na uri ng whiplash associated disorder (WAD 3), ang halaga
ng iyong ICBC settlement at ICBC payout ay maaaring mas tumaas kaysa sa kung
ikaw ay nakatamo ng grade 2 na pag-uuri ng whiplash associated disorder
(WAD 2).
·
Tagal ng iyong mga pinsala
- Sa karaniwan, ang halaga
ng ICBC settlement at ICBC payouts ay mas tumataas kung mas matagal malunasan
ang kapinsalaan, at kung ang mga tamang hakbang sa mitigasyon ay sinundan;
laging inaadbiso na mag-hintay hanggang makamit ang pre-accident state bago sumang
ayon sa kahit anong halaga ng ICBC settlements o ICBC payouts.
·
Klase ng iyong trabaho, at ang posibilidad ng
long-term na panghihina
- Halimbawa, kung ikaw ay
nakatamo ng soft tissue, whiplash injuries sa iyong leeg at likod, at sa iyong
trabaho ay kinakailangan mong umupo sa harap ng kompyuter ng buong araw, at
dahil sa iyong injury ay nahihirapan kang gampanan ang iyong mga tungkulin sa
iyong trabaho, ito ay magkakaroon ng epekto sa halaga ng iyong ICBC settlement
at ICBC payout, lalo na kung ikaw ay hindi pa ganap na gumaling mula sa mga
pinsalang natamo mula sa aksidente.
·
Gaano ka katagal
hindi nakapag trabaho
-
kasama ang tama at
matibay na medical na dokumentasyon na nagsasabi na ikaw ay hindi makapag
sagawa ng iyong mga tungkulin sa iyong trabaho, kung gaano katagal na hindi ka
makapag trabaho ay makakaapekto sa iyong ICBC claim, at ikaw ay magkakaroon ng
karapatan sa greater global ICBC settlement amounts at ICBC payouts.
·
Pagpapagaan sa
iyong mga pinsala
-
kung ang claimant
ng isang ICBC claim ay hindi gumawa ng mga tama at makatwiran na mga hakbang
para mabawasan ang kanyang mga kawalan, ito ay maaaring mag resulta sa partial
reduction sa halaga ng iyong ICBC settlements at ICBC payouts.
·
Kung ikaw man ay may pag-aambag sa iyong kapinsalaan
- halimbawa, kung ikaw ay
hindi nakasuot ng seatbelt ay maaaring mag resulta sa partial na reduction sa
halaga ng iyong ICBC settlement at ICBC payout.
·
Kung ikaw ay bahagyang may pananagutan sa pag-sanhi ng
aksidente
- ito ay maaari ring
magkaroon ng makabuluhan na epekto sa halaga ng iyong ICBC settlement at ICBC
payouts
·
Ang iyong edad
·
Ang iyong pre-existing na medikal na kondisyon
- halimbawa, kung ikaw ay
nakararanas na ng whiplash at soft tissue injury sa leeg, likod, o/at balikat,
o ikaw ay mayroong iba pang medikal na kondisyon na walang kaugnayan sa soft
tissue bago ang aksidente, ang ICBC settlements at ICBC payouts ay maaaring
maging mas mababa.
·
Kung ikaw ay mas malamang na magdudusa ng isang
kapinsalaan kaysa sa karaniwan na tao
- Basahin ang diskusyon na
ito tungkol sa "thin skull" principle
·
Lawak ng kawalan ng
taglay sa pamumuhay
-
Halimbawa,
kung ikaw ay mayroon o mahilig sa sports, ngunit dahil sa iyong mga injury ay
hindi mon a magawa ang mga ito.
·
Pangangailangan sa
future care
-
Sa
mga mas seryosong kaso, ito ay maaaring mapunta sa matibay na bahagi ng kahit
anong halaga ng ICBC settlements at ICBC payouts.
·
Kung ikaw ay mayroong
abogado
-
Para
sa mga self-represented claimants, ang halaga ng iyong ICBC settlement at ICBC
payouts ay madalas mas mababa kaysa sa mga nagke-claim na may tulong ng
abogado. Karamihan sa mga self-represented claimants ay walang kamalayan sa
iba't-ibang uri ng mga perhuwisyo at kawalan na maaaring i-claim; karamihan sa
mga self-represented claimants ay naniniwala na ang maaari lamang i-claim ay
pain at suffering at wage loss, na sa katotohanan, ay mas marami pang uri ng
damages na maaaring i-claim.
·
Yugto na kung kailan ka
nag-settle ng iyong ICBC claim
-
kung
ang iyong kaso ay nasa gitna ng proseso ng litigasyon, at walang liability
disputes, mas mataas ang halaga ng ICBC settlement na iniaalok habang lumalayo
sa pagpapatuloy ng proseso ng litigasyon.
v Bagaman, kahit na maraming tao ang
nakadadanas ng whiplash at soft tissue injury sa leeg, likod, balikat atbp.,
walang dalawang ICBC claim ay magiging magkapareho at ang kompensasyon ay
didipende sa mga pangyayari at kalagayan. Kaya, ang halaga ng ICBC settlement
at ICBC payouts ay iba-iba.
Are you interested in any kinds of hacking services?
ReplyDeleteFeel free to contact TECHNECHHACKS@GMAIL.COM.
For years now we’ve helped so many organizations and companies in hacking services.
TECHNECHHACKS is a team of certified hackers that has their own specialty and they are five star rated hackers.
we deal with the total functioning of sites like,
+ SOCIAL MEDIA (Facebook, Twitter, Instagram, Snapchat, google hangout etc.)
+ CREDIT CARDS INSTALLATION
+ WESTERN UNION TRANSFER
+ MONEY FLIPPING
+ BANK ACCOUNTS
+ IOS/OS
+ CRIMINAL RECORDS
+ SCHOOL GRADES
+ CREDIT SCORES
+ SPOUSES PHONE
+ BTC RECOVERY
+ BTC MINING
Thus bewere of scammers because most persons are been scammed and they ended up getting all solutions to their cyber bullies and attacks by US.
I am Jason williams one of the leading hack agent.
PURPOSE IS TO GET YOUR JOBS DONE AT EXACTLY NEEDED TIME REQUESTED!!!
And our WORK SUCCESS IS 100%!!!
I’m always available for you when you need help.
Contact or write us on:
Technechhacks@gmail.com
Thanks for your time.